Kabanata 7: Si Simoun
I. Buod
Pauwi na sana si Basilio nang may marinig siyang mga yabag at liwanag na palapit. Nangubli siya sa puno ng baliti. Sa kabila ng puno tumigil ang dumating. Nakilala ito ni Basilio ang mag-aalahas nang mag-alis ito ng salamin. Nangsimulang maghukay si Simoun sa tulong ng isang asarol. Naalaala si Basilio. Ito ang taong tumulong sa paglilibing sa kanyang ina at sa pagsunog sa isa pang lalaking doon namatay. Nag-isip si Basilio. Sino sa dalawang lalaking ito ang namatay o ang buhay na nagbubuhay Simoun ang si Ibarra? Napakita na kay Simoun si Basilio at nag handog ng pagtulong bilang ganti sa tulong na ipanagkaloob nito namay 13 ton na ang nakalilipas. Tinitutukan ni Simoun ng baril si Basilio. Sino ako sa palagay mo? Tanong ng mag-aalahas. Tugon ni Basilio. Kayo po'y isang taong mahal sa akin, kayo'y ipinalalagya ng lahat, matangi sa akin, na patay na at ang mga kasawian sa buhay ay madalas kong ikinalulungkot. Lumapit si Simoun sa binata. Aniya: Basilio, ika'y naghahawak ng isang lihim na maaaring magpangayaya sa akin, at ngayo'y natuklasan mo pa ang isa na kung mabubunyag ay ikasisira ng aking mga balak. At sinabi ni Simoun na dapat ay patayin na niya si Basilio upang iligtas ang kanyang layunin. "Gayunman, hinndi ko marahil pagsisihan na ika'y di ko patayin. Gaya ko rin ay may dapat kang ipakipagtuos sa lipunan. Ikaw at ako ay uhaw sa katarungan dapat tayong magtulungan. At inamin ni Simoun na siya nga si Ibarra. Isinalaysay nito ang pagkakapaglibot sa buong daigdig upang magpakayaman. Nagbalik upang ibagsak ang pamahalaang marumi sukdang ipagdanak ng dugo.
II. Tauhan
Basilio - Ang mag-aaral ng medisina.
Simoun - Ang mag-aalahas; si Ibarra.
III. Suliranin sa Kabanata
Ang suliranin sa kabanata nito ayy si Simoun gustong-gusto gumanti kaya ito ang problema sa kabanata at nag kukunwari si Crisostomo Ibarra at nag kukunwari na siya si Simoun para di mahuhuli.
IV. Isyung Panlipunan
Ang isyung panlipunan dito sa kabanata ayyy dapat kapag may nakasasala sa atin di tayo gumanti sa kanila. Hindi dapat tularan si Simoun kasi gusto niyang gumanti at dapat natin patawarin ang isa't isa.
V. Gintong Aral
Ang paghihiganti ay walang patutunguhan mas mainam pang gumawa ng mabuti upang makamit ang ninanais para sa bayan sa paraang makatarungan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento